Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University
Call for Contributions for the Second Regular Folio A.Y. 2022-2023
HEIGHTS | Jan 21, 2023
Ang hindi nalalaman ay hindi nakakatakas sa kahulugan, at nag-aalok lamang ng isang imbitasyon sa sarili nitong paggalugad. Nakakatagpo tayo ng lingid sa mga hindi natin makontrol at sa mga haka-hakang nag-iiwan sa atin sa dilim. May kawalan ng katiyakan na makikita sa mga tanong tungkol sa ating mga personal na relasyon, ang integridad ng ating mga pinuno, ang mga kahihinatnan ng mga bagong teknolohiya, at isang hinaharap na hindi masisiguro. Ito ay nagtutulak sa ilan sa pagkabalisa—kagustuhang umalam nang higit pa, naniniwala na ang paghula at pagtukoy sa sakuna ay susi. Sinusubukan ng ilan na huwag pansinin ang hindi mailalarawan o kontrolin ang kanilang sariling mga kalagayan. Ang iba naman ay higit na nagmamalasakit sa kaligtasan at pagpapanibago, na pinipiling batiin ang kanilang mga kapaligiran ng may pagkamalikhain at pagtutol.
Para sa ikalawang regular na folio ng Heights, binubuksan namin ang panawagan para sa mga kontribusyon sa mga gawa na nagtatanong sa hindi alam at tumutugon sa hindi matukoy na kalikasan nito. Naghahanap kami ng mga gawa na sinusuri ang mga posibilidad at lumalapit sa hindi pamilyar. Ano ang gagawin mo sa hindi mo alam? Saan ka lalapit para sa mga kasagutan, at sino ka nga ba kung wala ang mga ito? Paano ka lalago at gagaling sa dilim?
Mga Patnubay sa Pagpasa
Binubuksan ng HEIGHTS ang panawagan para sa ikalawang regular na folio na may temang "Ang Lingid sa Kaalaman." Bukas sa lahat ng mga mag-aaral, guro, staff, at mga nagsipagtapos mula sa Paaralang Loyola.
Tumatanggap kami ng mga akdang pampanitikan sa Ingles at Filipino: tula, maikling kwento, sanaysay, dulang may isang yugto, o/at screenplay.
Tumatanggap din kami ng mga biswal na akda: illustrasyon, painting, potograpiya, mixed media, photomanipulation, video art, o mga akda sa kahit anong biswal na medium.
Ilasa ang inyong mga akda sa:
heights.english@gmail.com(English)
heights.filipino@gmail.com(Filipino)
art.heights@gmail.com (Art)
Huling araw ng pagsumite sa Pebrero 12, 2023.
Nais mo bang basahin ito sa Wikang Ingles?
Gawing i-toggle lang ang button na nakikita.
Recommended for you
Call for Contributions for the First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Call for Contributions Submission Guidelines for HEIGHTS Volume 68 No. 1: First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Read MoreThe 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
The 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
Read MoreReady to have your work featured in HEIGHTS
We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio.
Interested? Come and submit your works today!