Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Call for Contributions for the First Regular Folio A.Y. 2020-2021

HEIGHTS | Aug 26, 2020

Panawagan Para Sa Mga Akda: HEIGHTS Vol. 68 No. 1

Sa mga nakaraang taon, nakaugalian na ng Heights ang paglimbag ng mga folio na may tiyak na tema upang manghikayat: na ibatay ang pagkilos sa kasaysayan, makisangkot sa mga pangyayaring panlipunan, at makibagay sa patuloy na nagbabagong mundo. Sa bawat pagpapasya, patuloy naming itinatanong: Bakit nananatili ang herarkiyang mapinsala? Bakit karahasan ang tugon sa pakikibaka? Bakit iginigiit ng may kapangyarihan ang katahimikan? Saan tayo naninindigan sa mga usaping ito?

Sa gitna ng ‘di karaniwan at walang kasiguraduhang panahon, may bagong salik na pumupuno sa atin ng alinlangan, takot at pagod, at gumagambala sa ating pag-usisa. Nabibilang tayo sa mapanganib na realidad na walang tiyak na hangganan. Sa panahong napupuno ng paulit-ulit na suliranin, kasabay ng tumitinding pagpapatahimik sa mga kritiko, naniniwala ang publikasyon na, sa pagbubukas ng mga espasyo’t paraan upang mailahad ang mga naratibo  at saloobin sa kasalukuyang ito, matatangkang mahanap ang mga sagot sa mga nakakabagot at nakakabahalang mga tanong na pumapaligid sa atin ngayon.

Kung kaya’t, para sa ika-68 nitong taunang folio, binubuksan na ng HEIGHTS ang panawagan para sa mga akda sa pagbalik nito sa kasanayan ng  folio na walang pinapaloobang tema. Iniimbitahan ng publikasyon ang lahat ng manlilikha na maging malay sa kakayahan ng sining at panitikan na bigyang-kahulugan ang kasalukyang panahon ayon sa kanilang sariling paninindigan.

Nakalakip dito ang mga palatuntunan para sa pagpasa:

Binubuksan ng HEIGHTS ang panawagan para sa unang regular na folio. Bukas sa lahat ng mga mag-aaral, guro, staff, at nagsipagtapos mula sa Paaralang Loyola. 

Tumatanggap kami ng mga akdang pampanitikan sa Ingles at Filipino: tula, maikling kuwento, sanaysay, kritisismo, dulang may isang yugto, o/at screenplay.

Tumatanggap din kami ng mga biswal na akda: ilustrasyon, painting, potograpiya, mixed media, photomanipulation, o mga akda sa kahit anong biswal na medium. 

Ipasa ang inyong mga akda sa:

heights.english@gmail.com (English) 

heights.filipino@gmail.com (Filipino) 

art.heights@gmail.com (Art) 

Huling araw ng pagsumite sa Setyembre 16, 2020.

Kailangang magpasa ng lahat ng manunulat at manlilikha ng ng isang .DOCX file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon:

  • Pangalan

  • Taon at Kurso / Kurso at Taon ng Pagtatapos / Kagarawan / Opisina

  • Contact Number

  • Bio-note

MGA AKDA SA INGLES AT FILIPINO

Para sa bawat panawagan para sa mga akda, maaari lamang magpasa ang bawat manunulat ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda mula sa iba’t ibang uri ng panitikan. Sa bawat akda, kinakailangang magpasa ng dalawang(2) kopya: isa sa .DOCX format at isa sa .PDF format.

SINING-BISWAL

Para sa bawat panawagan para sa mga akda, maaari lamang magpasa ang bawat manlilikha ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda at hindi lalagpas sa dalawang (2) serye. Sabihin sa pangalan ng file kung indibidwal o bahagi ng isang serye ang mga ipapasa. Kinakailangan ding may resolusyon na 300 dpi ang mga ito.

  • Ilakip ang lahat ng mga akda bilang isang image file.

  • Tinatanggap ang mga files na may  .JPEG / .PNG / .IMG extensions.

  • Tinatanggap ang mga reel o screenshot ng mga .GIF at iba pang video file.

  • Hindi tatanggapin ang Photoshop at Illustrator files.

  • Mangyaring tandaan na maaaring tanggapin ng palathala ang piling bahagi lamang ng mga serye.

Para sa bawat akda, ilagay sa pangalan ng file ang pamagat, medium, at sukat nito.

Mga Tala ukol sa Proseso ng Manlilikha: Inaanyayahan ang mga manlilikha na magpasa ng paliwanag kasabay ng kanilang nilikha, ukol sa kanilang malikhaing proseso, mga konsepto at balangkas na ginamit, at iba pang mga detalye na maaaring makatulong sa proseso ng deliberasyon. Gagawin ito sa isang sanaysay na hindi lalagpas sa 250 na salita, at ilalakip bilang isang .DOCX file. Hindi ito ilalathala sa folio. 

#SubmitToHeights

Nais mo bang basahin ito sa Wikang Ingles?

Gawing i-toggle lang ang button na nakikita.

Ready to have your work featured in HEIGHTS

We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio.
Interested? Come and submit your works today!

Contribute Now