Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University
The 26th Ateneo HEIGHTS Writers Workshop Application Guidelines
HEIGHTS | Nov 28, 2020
Tumatanggap na ang HEIGHTS ng mga aplikasyon para sa ika-26 na Ateneo HEIGHTS Writers Workshop (AHWW) na gaganapin mula ika-25 at ika-27 hanggang ika-28 ng Pebrero, 2021. Binibigyan ng pagkakataon ng taunang palihang ito ang sampu hanggang labing-anim na mapipiling mga manunulat na mahubog pa ang kanilang malikhaing potensyal. Ito’y isasagawa sa pamamagitan ng talakayan kasama ang mga tanyag na manunulat ng tula, piksyon, sanaysay, at dula sa pampanitikang komunidad ng Pilipinas. Pagkatapos ng mismong palihan, ilalathala ang isang chapbook para ipagbunyi ang paglago ng pagsulat ng sampung fellows.
Bukás ang palihang ito sa mga kasalukuyang estudyante ng Paaralang Loyola. Maaaring magpadala ang mga interesadong aplikante ng email kung saan nakalakip ang .zip file na may ngalang, "[Surname]_AHWW26" at naglalaman ng mga sumusunod:
Isang portfolio na naglalaman ng kahit alin sa mga sumusunod (paalala na maaring pumili ng isang genre lamang kada aplikante):
Tula: tatlo hanggang limang (3-5) tula
Kuwento: dalawang (2) maikling kuwento
Sanaysay: dalawang (2) sanaysay
Dula: dalawang (2) dula na may isang yugto, o dalawang (2) sipi mula sa mas mahabang dula
Tumatanggap kami ng mga akda sa Ingles at Filipino. Hindi dapat lalagpas sa 5000 na salita ang bawat akda at dapat nasa parehong .docx at .pdf na pagsasaayos.
Isang hindi hihigit sa dalawang pahina (1-2) na Pambungad na Sanaysay na tumutugon sa mga sumusunod na katanungan:
Ipaliwanag ang conceptual project ng iyong portfolio.
Ano ang nais mong sabihin sa mga sinulat mo?
Bakit ka nagsusulat? Ano ang mga karaniwang tema sa mga sinusulat mo?
Kailan at paano ka nagsimulang magsulat?
Bakit ka patuloy na nagsusulat?
Anong direksyon ang nais mong tahakin sa pagsusulat mo?
Ano ang inaasahan mong matutunan mula sa palihan?
Ipapasa ito sa .pdf format, TNR 12, 1.5 spacing.
Isang .pdf file na naglalaman ng:
Buong Pangalan:
Palayaw:
Taon at Kurso:
Mobile Number:
Genre:
Mga pamagat ng akda at kung kailan sila natapos isulat (hal. “Wala Itong Pamagat” : Hunyo, 2015)
Ipadala ang lahat ng ito sa heights.ls@obf.ateneo.edu nang may subject title na "AHWW26 - Application." Ang huling araw ng pagpapasa ng mga aplikasyon ay sa 11:59 n.g., ika-19 ng Disyembre, 2020.
Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Gewell Llorin sa heights.ls@obf.ateneo.edu o magpadala ng mensahe sa HEIGHTS Facebook Page.
Likha ni Tricia Alcantara, Julia Carpio, Justin Dhaniel Tan
Nais mo bang basahin ito sa Wikang Ingles?
Gawing i-toggle lang ang button na nakikita.
Recommended for you
Call for Contributions for the First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Call for Contributions Submission Guidelines for HEIGHTS Volume 68 No. 1: First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Read MoreThe 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
The 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
Read MoreReady to have your work featured in HEIGHTS
We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio.
Interested? Come and submit your works today!