Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Call for Contributions for the Seniors Folio 2023

HEIGHTS Ateneo | Mar 1, 2023

MGA PATNUBAY SA PAGPASA

Binubuksan ng HEIGHTS ang panawagan para sa taunang Seniors Folio. Bukas sa lahat ng mga graduating at non-graduating seniors at superseniors ng Paaralang Loyola.

Mga Akda sa Ingles at Filipino Tumatanggap kami ng mga akdang pampanitikan sa Ingles at Filipino: tula, maikling kuwento, sanaysay, dula, screenplay, at kritikal na papel. Maaari lamang magpasa ang bawat manunulat ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda mula sa iba’t ibang uri ng panitikan. Sa bawat akda, kinakailangang magpasa ng dalawang (2) kopya: isa sa .DOCX format at isa sa .PDF format.

Sining-Biswal Tumatanggap kami ng mga biswal na obra: ilustrasyon, painting, potograpiya, mixed media, photomanipulation, o mga akda sa kahit anong biswal na medium. Maaari lamang magpasa ang bawat manlilikha ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda at hindi lalagpas sa dalawang (2) serye. Sabihin sa pangalan ng file kung indibidwal o bahagi ng isang serye ang mga ipapasa. Mga karagdagang patnubay: • Ilakip ang lahat ng mga akda bilang image file na may 300 dpi pataas na resolusyon. • Tinatanggap ang mga files na may .JPEG / .PNG / .IMG extensions. • Tinatanggap ang mga reel o screenshot ng mga .GIF at iba pang video file. • Hindi tatanggapin ang Photoshop at Illustrator files. • Mangyaring tandaan na maaaring tanggapin ng palathala ang piling bahagi lamang ng mga serye. • Para sa bawat akda, ilagay sa pangalan ng file ang pamagat, medium, at sukat nito. Mga Tala ukol sa Proseso ng Manlilikha: Inaanyayahan ang mga manlilikha na magpasa ng paliwanag kasabay ng kanilang nilikha, ukol sa kanilang malikhaing proseso, mga konsepto at balangkas na ginamit, at iba pang mga detalye na maaaring makatulong sa proseso ng deliberasyon. Gagawin ito sa isang sanaysay na hindi lalagpas sa 250 na salita, at ilalakip bilang isang .DOCX file. Hindi ito ilalathala sa folio.

Impormasyon Kailangang magpasa ng lahat ng manunulat at manlilikha ng ng isang .DOCX file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon: • Pangalan • Taon at Kurso • Contact Number • Bio-note Ipasa ang inyong mga akda sa: heights.english@gmail.com (English) heights.filipino@gmail.com (Filipino) art.heights@gmail.com (Art)

Nakatakdang araw ng pagpasa: ika-10 Abril, 2023

Nais mo bang basahin ito sa Wikang Ingles?

Gawing i-toggle lang ang button na nakikita.

Ready to have your work featured in HEIGHTS

We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio.
Interested? Come and submit your works today!

Contribute Now