Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University
The 13th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
HEIGHTS | Sep 9, 2022
Tumatanggap na ang HEIGHTS ng aplikasyon para sa ika-13 na Ateneo HEIGHTS Artists Workshop (AHAW) na gaganapin sa ika-19 ng Nobyembre, 2022.
Sa nagdaang dalawang taon ay nagkaroon ng pangangailangang isaayos ang mga palihan upang maisagawa ito online. Ngayong taon, sa unti-unting pagbalik natin sa pamantasan ay patuloy kaming nagsisikap magbigay ng lugar para sa pakikihalubilo at masining na pakikipagtalakayan. Inaanyayahan ka naming maging isa sa sampung [10] manlilikha na makikilahok sa palihang ito, kung saan mabibigyan ka ng pagkakataong matuto mula sa mga dekalibreng alagad ng sining sa Pilipinas at mapalago ang iyong malikhaing potensiyal. Layunin ng palihan na hindi lamang pukawin ang iyong husay, kundi ipagdiwang din ang paglago nito sa ilalathalang zine at gaganaping eksibit.
Bukás ang palihang ito sa mga kasalukuyang mag-aaral ng Paraalang Loyola. Maaring magpadala ang mga interesadong aplikante ng email kung saan nakalakip ang .zip file na may ngalang "[Apelyido]_AHAW13" at naglalaman ng mga sumusunod:
Isang portfolio ng apat hanggang pitong mga piyesa (paalala na ang bawat aplikante ay maaring pumili ng isang medium lamang):
Gamitin ang pamagat ng piyesa bilang pangalan ng file nito
Isang .pdf file na naglalaman ng mga impormasyon tungkol para sa bawat piyesa: pamagat, dimensions, ginamit na medium, at ang taon kung kailan ito natapos
Maaaring ipaliwanag ang bawat piyesa basta’t hindi lalagpas sa dalawang pangungusap ang paliwanag.
Isang 1-2 pahina na Pambungad na Sanaysay na tumutugon sa mga sumusunod na katanungan:
Ipaliwanag ang konseptwal na proyekto ng iyong portfolio.
Ano ang nais mong sabihin sa mga nilikha mo?
Ano ang sinasabi ng mga nilikha mo?
Ano ang umuudyok sa iyo na lumikha?
Ano ang mga karaniwang tema sa iyong gawa?
Ano ang kasaysayan ng iyong paglikha? Paano ka nagsimula, at bakit ka nagpapatuloy?
Anong direksyon ang nais mong tahakin sa iyong paglikha?
Ano ang inaasahan mong matutunan mula sa palihan?
Isang .pdf file na naglalaman ng:
Buong Pangalan:
Palayaw:
Taon at Kurso:
Mobile Number:
Medium:
Ipadala ang lahat ng ito sa heights.ls@obf.ateneo.edu na may subject title na "AHAW13-Application." Ang huling araw ng pagpapasa ng mga aplikasyon ay sa 11:59 n.g., ika-30 ng Setyembre, 2022.
Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa heights.ls@obf.ateneo.edu o magpadala ng mensahe sa HEIGHTS Facebook Page.
Nais mo bang basahin ito sa Wikang Ingles?
Gawing i-toggle lang ang button na nakikita.
Recommended for you
Call for Contributions for the First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Call for Contributions Submission Guidelines for HEIGHTS Volume 68 No. 1: First Regular Folio A.Y. 2020-2021
Read MoreThe 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
The 11th Ateneo HEIGHTS Artists Workshop Application Guidelines
Read MoreReady to have your work featured in HEIGHTS
We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio.
Interested? Come and submit your works today!